Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 13:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama,ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

2. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.

3. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay,ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.

4. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad,ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.

5. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.

6. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran,ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.

7. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman,ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman.