Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 13:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama,ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

2. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.

3. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay,ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.