Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 12:12-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang nais ng masama ay puro kasamaan,ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw.

13. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig,ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig.

14. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita,bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala.

15. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama,ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.

16. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata,ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya.

17. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan,ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.