Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 11:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Ang pag-asa ng masama ay kasama niyang pumapanaw,ang umasa sa kayamanan ay mawawalang kabuluhan.

8. Ang matuwid ay inilalayo sa bagabag,ngunit ang masama ay doon bumabagsak.

9. Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira,ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa.

10. Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak,ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.