Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 11:25-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

26. Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil,ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.

27. Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang,kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan.

28. Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman,ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

29. Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan,mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay.Ang taong mangmang at walang nalalaman,ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.

30. Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay,at kamatayan naman ang hatid ng karahasan.

31. Ang matuwid ay ginagantimpalaan dito sa lupa,ngunit paparusahan naman ang mga makasalanan at masasama!