Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 11:18-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan,ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.

19. Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay,ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan.

20. Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam,ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan.

21. Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan,ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.

22. Ang magandang babae ngunit mangmang naman,ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.

23. Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan,ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan.

24. Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman,ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.

25. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.