Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 11:13-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Walang maitatago sa bibig ng madaldal,ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.

14. Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak,ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.

15. Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak,ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag.

16. Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan,ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.Lagi sa kahirapan ang taong tamad,ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.

17. Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan,ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.

18. Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan,ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.

19. Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay,ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan.