Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 11:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya,ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

2. Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan,ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

3. Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

4. Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan,ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

5. Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay,ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

6. Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya,ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa.