Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 10:24-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Ang kinatatakutan ng masama ay magaganap sa kanya,ngunit ang hangarin ng matuwid ay matatamo niya.

25. Tinatangay ng hangin ang taong masama,ngunit ang matuwid ay gusaling di magiba.

26. Kung paanong ang usok ay nakakaluha, ang suka ay nakakangilo,gayon ang tamad na alipin, sa kanilang mga amo.