Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 10:2-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ang yamang buhat sa masama ay di papakinabangan,ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan.

3. Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan,ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman.

4. Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop,ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop.

5. Ang nag-iimbak kung tag-araw ay nagpapakilala ng katalinuhan,ngunit ang natutulog kung anihan ay nag-iipon ng kahihiyan.

6. Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan,ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

7. Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman,ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.

8. Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa,ngunit kapahamakan ang wakas ng mangmang na masalita.

9. Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan,ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.

10. Ang malilikot na mata ay lagi sa kaguluhan,at ang bibig na maluwang, hahantong sa kapahamakan.

11. Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,ngunit labi ng masama ay nagtatakip ng karahasan.