Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 1:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama.

5. Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.

6. Sa gayon, lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan, gayon din ang palaisipan ng mga marurunong.

7. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.

8. Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama,at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;

9. sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo,parang kuwintas na may dalang karangalan.