Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 1:28-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. sa araw na iyon ay di ko papakinggan ang inyong panawagan.Hahanapin ninyo ako ngunit hindi masusumpungan.

29. Pagkat itong karunungan ay di ninyo pinahahalagahan,kay Yahweh ay di sumunod nang may lakip na paggalang.

30. Inyo pa ngang tinanggihan itong aking mga payo,itinapong parang dumi itong paalala ko.

31. Kaya nga, inyong aanihin ang bunga ng inyong gawa,at kayo ay uusigin ng inyong pagnanasang ubod sama.

32. Katigasan ng ulo ang papatay sa mangmang,sa dusa ay masasadlak sa kawalan ng kaalaman.

33. Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay,mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”