Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 1:20-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Karununga'y umaalingawngaw sa mataong lansangan,tinig niya'y nangingibabaw sa lugar ng pamilihan.

21. Ito'y lumalampas sa mataas na mga muog,ang ugong niya'y naririnig sa pintuan nitong lunsod:

22. “Taong mangmang, walang hustong kaalaman,hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan?Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan?Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman?

23. Ang payo ko ay pakinggan n'yo at dinggin ang aking pangaral;sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman.

24. Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo,ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko.