Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 1:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

2. Sa pamamagitan nito, ang tao'y magtatamo ng karunungan at pang-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay.

3. Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan.

4. Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama.

5. Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman.

6. Sa gayon, lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan, gayon din ang palaisipan ng mga marurunong.