Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Hebreo 8:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sa lupa ay hindi siya maaaring maging pari, sapagkat mayroon nang mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan.

5. Ang paglilingkod ng mga ito ay larawan lamang ng nasa langit, sapagkat nang itatayo na ni Moises ang tolda, mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng Diyos ang ganito, “Gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita ko sa iyo sa bundok.”

6. Ngunit ang paglilingkod na ipinagkaloob kay Jesus ay higit na dakila kaysa ipinagkaloob sa kanila, dahil siya'y tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti, sapagkat ang tipang ito ay nababatay sa mas maiinam na pangako.

7. Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan pa ng pangalawa.

8. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya't sinabi niya,“Darating ang mga araw, sabi ng Panginoon,na gagawa ako ng bagong kasunduan sa Israel at sa Juda.

9. Hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno,nang ilabas ko sila sa Egipto.Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin,kaya't sila'y aking pinabayaan.