Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Hebreo 7:23-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Bukod dito, kailangan noon ang maraming pari dahil namamatay sila at hindi nakakapagpatuloy sa panunungkulan.

24. Ngunit si Jesus ay buháy magpakailanman, kaya't walang katapusan ang kanyang pagkapari.

25. Dahil dito, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.

26. Samakatuwid, si Jesus, kung ganoon, ang Pinakapunong Paring nakakatugon sa ating pangangailangan. Siya'y banal, walang kasalanan ni kapintasan man, inihiwalay sa mga makasalanan at itinaas sa kalangitan.