Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Hebreo 4:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kaya nga habang nananatili ang pangako ng Diyos, na tayo'y makakapasok at makakapagpahinga sa piling niya, mag-ingat kayo at baka mayroon sa inyong hindi makatanggap ng pangakong ito.

2. Sapagkat tulad nila'y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya.

3. Tayong mga sumampalataya ang nakatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito'y ayon sa kanyang sinabi,“Sa galit ko'y aking isinumpa,‘Hindi sila makakapasok at hindi makakapagpahinga sa aking piling.’”Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan.

4. Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan ang tungkol sa ikapitong araw, “At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.”

5. At muli pang sinabi, “Hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.”