Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Hebreo 3:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Tapat siya sa Diyos na pumili sa kanya, tulad ni Moises na naging tapat sa buong sambahayan ng Diyos.

3. Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises.

4. Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.

5. Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon.

6. Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kaya't matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.

7. Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,