Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 9:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw, hindi rin siya kumain ni uminom.

10. Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala'y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa pamamagitan ng isang pangitain, “Ananias!”“Ano po iyon, Panginoon,” tugon niya.

11. Inutusan siya ng Panginoon, “Pumunta ka sa kalyeng tinatawag na Tuwid, sa bahay ni Judas, at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala'y Saulo. Siya'y nananalangin ngayon.

12. Sa isang pangitain, nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang siya'y makakitang muli.”