Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 9:40-43 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

40. Pinalabas ni Pedro ang lahat at siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita nito si Pedro.

41. Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungang bumangon. Pagkatapos, tinawag niya ang mga mananampalataya at ang mga biyuda, at iniharap sa kanila si Dorcas na buháy na.

42. Ang pangyayaring ito'y nabalita sa buong Joppa kaya't marami ang sumampalataya sa Panginoon.

43. Matagal-tagal ding nanatili si Pedro sa Joppa, sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop.