Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 9:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”

5. “Sino kayo, Panginoon?” tanong niya.“Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya.

6. “Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”

7. Natigilan ang mga kasama ni Saulo nang marinig nila ang tinig ngunit wala naman silang makitang nagsasalita.

8. Tumayo si Saulo at nang dumilat, hindi na siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.