Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 9:18-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Noon di'y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo at nakakita na siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.

19. Kumain siya at nagbalik ang kanyang lakas.Si Saulo'y ilang araw na kasa-kasama ng mga alagad sa Damasco.

20. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral na si Jesus ang Anak ng Diyos.

21. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. “Hindi ba siya ang dating umuusig sa mga sumasamba kay Jesus sa Jerusalem?” tanong nila. “Hindi ba't naparito siya upang sila'y dakpin at dalhing nakagapos sa mga punong pari?”

22. Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.

23. Pagkaraan ng maraming araw, nagkaisa ang mga Judio na patayin si Saulo.

24. Araw at gabi ay inaabangan nila si Saulo sa mga pintuang-bayan para patayin, ngunit nalaman niya ito.

25. Kaya't isang gabi, inilagay siya ng kanyang mga alagad sa isang malaking basket at ibinabâ sa kabila ng pader.

26. Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, sinikap niyang mapabilang sa mga alagad doon. Ngunit sila'y natatakot sa kanya dahil hindi sila makapaniwalang isa na siyang alagad.

27. Subalit isinama siya ni Bernabe sa mga apostol at isinalaysay nito sa kanila kung paano nagpakita at nakipag-usap ang Panginoon kay Saulo nang ito'y nasa daan papunta sa Damasco. Sinabi rin ni Bernabe na buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus.

28. Kaya mula noon, si Saulo'y kasa-kasama nila sa buong Jerusalem, at buong tapang na nangangaral doon sa pangalan ng Panginoon.

29. Nakipag-usap din siya at nakipagtalo sa mga Helenista, kaya't tinangka nilang patayin siya.

30. Nalaman ito ng mga kapatid kaya't inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.

31. Kaya't ang iglesya sa buong Judea, Galilea at Samaria ay naging mapayapa at patuloy na nagpupuri sa Panginoon. Sa tulong at sa pakikisama ng Espiritu Santo, tumatag at dumami ang mga mananampalataya.

32. Naglalakbay noon si Pedro sa mga bayan-bayan upang dalawin ang mga kapatid sa pananampalataya. Sa pagdalaw niya sa mga kapatid sa Lida,