Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 8:5-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Nagpunta si Felipe sa lunsod ng Samaria at ipinahayag doon ang Cristo.

6. Nang mapakinggan ng mga tao si Felipe at makita ang mga himalang ginagawa niya, inisip nilang mabuti ang kanyang sinasabi.

7. Ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong sinasapian ng mga ito at sumisigaw habang lumalabas. Maraming lumpo at pilay ang napagaling

8. kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon.