Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 8:29-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. “Sabayan mo ang sasakyang iyon,” utos ng Espiritu kay Felipe.

30. Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang binabasa ng pinuno ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?”

31. Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi.