Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 5:17-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niyang Saduseo, kaya't kumilos sila.

18. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo.

19. Ngunit kinagabiha'y binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila,

20. “Pumunta kayo sa Templo at ipahayag sa tao ang buong mensahe tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”