Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 5:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mayroon namang mag-asawa na nagbenta rin ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae.

2. Subalit nagsabwatan ang dalawa at hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan.