Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 4:25-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo,‘Bakit galit na galit ang mga Hentil,at ang mga tao'y nagbabalak ng walang kabuluhan?

26. Naghahandang makibaka ang mga hari sa lupa,at nagtitipon ang mga pinunolaban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’

27. Nagkatipon nga sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang.

28. Nagkatipon sila kaya't naisakatuparan ang mga dapat mangyari, ayon sa itinakda ninyo noon pang una.

29. At ngayon, Panginoon, tingnan ninyo, pinagbabantaan nila kami. Tulungan ninyo ang inyong mga alipin na maipangaral nang buong tapang ang inyong salita.

30. Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na Lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.”

31. Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.