Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 27:32-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Kaya't nilagot ng mga kawal ang lubid ng bangka at hinayaan itong mahulog.

33. Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay.

34. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!”

35. At pagkasabi nito, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain.

36. Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din.

37. Kaming lahat ay 276 katao.

38. Nang mabusog sila, itinapon nila sa dagat ang kargang trigo upang gumaan ang barko.

39. Nang mag-umaga na, nakatanaw sila ng lupa, ngunit hindi nila alam kung anong lugar iyon. Napansin nila ang isang dalampasigan, at binalak nilang igawi doon ang barko kung maaari.