Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 26:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita; ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?”Nagbigay-galang si Pablo at nagsalita bilang pagtatanggol sa sarili.

2. “Haring Agripa, itinuturing ko pong isang malaking kapalaran na marinig ninyo ang pagtatanggol ko sa aking sarili laban sa mga paratang ng mga Judio

3. sapagkat lubos ninyong nababatid ang mga kaugalian at pagtatalo ng mga Judio. Kaya't hinihiling ko pong pagtiyagaan ninyo akong pakinggan.