Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 25:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Dahil may balak silang tambangan at patayin si Pablo, nagmakaawa sila sa gobernador na ipatawag siya sa Jerusalem.

4. Sumagot si Festo, “Si Pablo'y nakabilanggo sa Cesarea at babalik ako roon sa madaling panahon.

5. Pasamahin ninyo sa akin ang inyong mga pinuno, kung totoong may pagkakamali siya, saka ninyo siya isakdal.”

6. Nagpalipas pa si Festo ng walo o sampung araw sa Jerusalem, saka bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at nag-utos na iharap sa kanya si Pablo.

7. Pagdating ni Pablo, pinaligiran siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem. Nagharap sila ng maraming mabibigat na paratang laban sa kanya, ngunit hindi nila napatunayan ang mga iyon.