Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 24:5-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Natuklasan naming ang taong ito'y nanggugulo. Ginugulo niya ang mga Judio saan man siya magpunta, at siya'y isang pasimuno ng sekta ng mga Nazareno.

6-8. Pati ang Templo namin ay tinangka niyang lapastanganin, kaya hinuli namin siya.“Sa pagsisiyasat ninyo sa kanya, malalaman ninyo ang lahat ng sumbong namin laban sa kanya.”

9. Pinatotohanan naman ng mga Judiong naroroon ang lahat ng sinabi ni Tertulo.

10. Si Pablo ay sinenyasan ng gobernador upang magsalita, kaya't sinabi niya,“Kagalang-galang na Gobernador, nalalaman kong kayo'y matagal nang hukom sa bansang ito, kaya't ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili sa harap ninyo.

11. Wala pang labindalawang araw mula nang ako'y dumating sa Jerusalem upang sumamba. Matitiyak ninyo iyan kung kayo'y magsisiyasat.

12. Minsan man ay hindi nila ako nakitang nakikipagtalo kaninuman sa loob ng Templo, o gumagawa ng gulo sa sinagoga, o sa alinmang lugar sa lunsod.

13. Wala silang maihaharap na katibayan sa kanilang mga paratang laban sa akin.

14. Inaamin kong ang pagsamba ko sa Diyos ng aming mga ninuno ay ayon sa Daan na sinasabi nilang maling pananampalataya. Subalit naniniwala rin ako sa lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga aklat ng mga propeta.