Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 21:6-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Pagkatapos naming magpaalam, sumakay na kami sa barko, at sila'y nagsiuwi na.

7. Mula sa Tiro, nagpatuloy kami ng paglalakbay at nakarating kami sa Tolemaida. Nakipagkita kami sa mga kapatid at tumigil doon nang isang araw.

8. Kinabukasan, tumuloy kami sa Cesarea sa bahay ng ebanghelistang si Felipe, isa sa pitong lalaking hinirang noong una sa Jerusalem.

9. Siya'y may apat na anak na dalaga na pawang mga propeta.

10. Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala'y Agabo.