Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 2:18-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu,sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,at ipahahayag nila ang aking mensahe.

19. Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langitat mga himala sa lupa;dugo, apoy at makapal na usok.

20. Ang araw ay magdidilim,ang buwan ay pupulang parang dugo,bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.

21. At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulongsa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’