Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 18:25-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Naturuan siya tungkol sa Daan ng Panginoon, at masigasig na nangangaral at nagtuturo nang wasto tungkol kay Jesus. Ngunit ang bautismo ni Juan lamang ang kanyang nalalaman.

26. Siya'y buong tapang na nagsasalita sa sinagoga ng mga Judio. Nang marinig ng mag-asawang Aquila at Priscila ang pagpapaliwanag ni Apolos, siya'y isinama nila sa kanilang bahay at doo'y pinaliwanagan nang mabuti tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman tungkol sa Daan ng Diyos.

27. At nang ipasya niyang pumunta sa Acaya, sumulat sila sa mga kapatid doon upang malugod nilang tanggapin si Apolos. Pagdating doon, malaki ang naitulong niya sa mga mananampalataya dahil sa kagandahang-loob ng Diyos,

28. sapagkat walang magawâ sa kanya ang mga Judio sa kanilang pagtatalo sa harap ng madla. Sa pamamagitan ng mga Kasulatan ay pinatunayan niyang si Jesus ang Cristo.