Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 15:23-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman:“Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.

24. Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahan naming galing dito, kahit na hindi namin sila inuutusan. At binabagabag nila kayo sa pamamagitan ng kanilang itinuturo,

25. kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na sina Bernabe at Pablo,

26. mga taong hindi nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

27. Isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag ang sinasabi sa sulat na ito.

28. Sapagkat minabuti namin at ng Espiritu Santo na huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na talagang kailangan.