Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 14:20-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. subalit nang dumating ang mga alagad at palibutan siya, tumayo si Pablo at pumasok sa lunsod. Kinabukasan, nagpunta sila ni Bernabe sa Derbe.

21. Ang Magandang Balita ay ipinangaral nina Pablo at Bernabe sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, Iconio, at Antioquia ng Pisidia.

22. Pinalakas nila ang loob ng mga alagad at pinayuhang manatiling tapat sa pananampalataya. “Daranas muna tayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos,” sabi nila sa mga alagad.

23. Sa bawat iglesya ay pumili sila ng mga matatandang mamumuno, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito'y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinagtitiwalaan.

24. Tinahak nila ang Pisidia at nakarating sila sa Pamfilia.

25. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos at pagkatapos ay tumuloy sila sa Atalia.

26. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila ay ipinagkatiwala sa pagkalinga ng Diyos dahil sa gawaing kanilang natapos na.