Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 14:2-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Gayunman, may ilang Judiong ayaw sumampalataya. Sinulsulan pa nila ang mga Hentil at nilason ang isip ng mga ito laban sa mga mananampalataya.

3. Nanatili roon nang matagal sina Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinapatunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala.

4. Kaya't nahati ang mga tao sa lunsod; may pumapanig sa mga Judio, may pumapanig naman sa mga apostol.

5. Napagkasunduan ng mga Hentil, ng mga Judio, at ng kanilang mga pinuno, na hamakin at pagbabatuhin ang mga apostol.

6. Subalit nang malaman iyon ng dalawa, sila'y tumakas papuntang Listra at Derbe, mga lunsod ng Licaonia, at sa mga karatig na lupain,

7. at doon sila nangaral ng Magandang Balita.