Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 13:48-52 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

48. Nang marinig ng mga Hentil ang mga salitang iyon, sila'y nagalak at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya, at sumampalataya ang lahat ng hinirang para sa buhay na walang hanggan.

49. Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon.

50. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga pinuno ng lunsod at ang mga debotong babae at kilala sa lipunan; ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon.

51. Kaya't ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila'y nagpunta sa Iconio.

52. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.