Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Gawa 1:17-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Si Judas ay kabilang sa amin at naging kasama namin sa paglilingkod.”

18. Ang kabayaran sa kanyang pagtataksil ay ibinili niya ng lupa. Doon siya nahulog nang patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.

19. Nabalita iyon sa buong Jerusalem, kaya nga't ang lupang iyon ay tinawag na Akeldama sa kanilang wika, na ang kahulugan ay Bukid ng Dugo.