Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 9:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang unang buwan ng ikalawang taon mula nang umalis sa Egipto ang mga Israelita, sinabi ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai,

2. “Iutos mo sa buong Israel na ipagdiwang ang Pista ng Paskwa sa takdang panahon,

3. paglubog ng araw sa ika-14 na araw ng unang buwan ayon sa mga tuntunin tungkol dito.”

4. Gayon nga ang ginawa ni Moises.

5. Ipinagdiwang nga nila ang Pista ng Paskwa sa ilang ng Sinai noong gabi ng ika-14 na araw ng unang buwan.

6. Noon ay may ilang taong nakahawak ng patay, kaya't ang mga ito'y itinuring na marumi ayon sa Kautusan at hindi maaaring sumali sa pagdiriwang ng Pista ng Paskwa. Dahil dito, lumapit sila kina Moises at Aaron.

7. Sinabi nila, “Totoo ngang kami'y marumi ayon sa Kautusan sapagkat kami'y nakahawak ng patay. Subalit dapat bang kami'y pagbawalang mag-alay ng handog kay Yahweh kasama ng mga Israelita?”

8. “Maghintay kayo kung ano ang sasabihin sa akin ni Yahweh tungkol sa inyo,” sagot ni Moises.

9. Sinabi ni Yahweh kay Moises,