Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 9:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang unang buwan ng ikalawang taon mula nang umalis sa Egipto ang mga Israelita, sinabi ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai,

2. “Iutos mo sa buong Israel na ipagdiwang ang Pista ng Paskwa sa takdang panahon,

3. paglubog ng araw sa ika-14 na araw ng unang buwan ayon sa mga tuntunin tungkol dito.”

4. Gayon nga ang ginawa ni Moises.

5. Ipinagdiwang nga nila ang Pista ng Paskwa sa ilang ng Sinai noong gabi ng ika-14 na araw ng unang buwan.