Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 8:23-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

24. “Ganito ang magiging tuntunin tungkol sa mga Levita: mula sa edad na dalawampu't lima, tutulong sila sa gawain sa loob ng Toldang Tipanan.

25. Pagdating nila ng limampung taon, pagpapahingahin na sila sa ganoong gawain.

26. Maaari pa rin silang tumulong sa kanilang mga kapwa Levita sa pagganap ng mga ito ng kanilang tungkulin sa loob ng Toldang Tipanan subalit hindi sila maaaring magsagawa ng paglilingkod.”