Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 8:2-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Sabihin mo kay Aaron na pagkasindi ng pitong ilaw, iaayos niya ang mga ito sa ibabaw ng patungan upang magliwanag sa paligid nito.”

3. Iyon nga ang ginawa ni Aaron ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.

4. Ang ilawan ay yari sa pinitpit na ginto, gayundin ang palamuting bulaklak at ang mga tangkay nito. Ginawa ito ni Moises ayon sa anyong huwaran na ipinakita sa kanya ni Yahweh.

5. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

6. “Ibukod mo ang mga Levita at linisin ayon sa Kautusan.

7. Wisikan mo sila ng tubig na panlinis ng kasalanan, paahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang kasuotan.

8. Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng dalawang batang toro; ang isa'y ihahandog na kasama ng handog na pagkaing butil, at ang isa'y handog para sa kapatawaran ng kasalanan.