Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 5:25-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Pagkatapos, ang handog na harinanghawakpa ng babae ay kukunin ng pari, iaalay kay Yahweh at ilalagay sa altar.

26. Ang pari ay kukuha ng isang dakot na harina mula sa handog at susunugin ito sa altar. Pagkatapos, ipapainom sa babae ang mapait na tubig.

27. Kung nagtaksil nga siya sa kanyang asawa, makakaramdam siya ng matinding sakit, matutuyo ang kanyang balakang at mamamaga ang kanyang tiyan. Sa ganitong paraan, hindi siya pamamarisan ng kanyang mga kababayan.

28. Ngunit kung hindi siya nagtaksil, hindi tatalab sa kanya ang sumpa at maaari pa siyang magkaanak.

29. “Ito ang tuntunin tungkol sa babaing nagtaksil sa asawa,

30. o kaya, kung naghihinala ang lalaki sa katapatan ng kanyang asawa: ang babae'y ihaharap sa altar, at isasagawa naman ng pari ang lahat ng dapat gawin ayon sa Kautusan.

31. Ang asawang lalaki ay hindi madadamay sa kasalanan ng babae, kundi ang babae lamang, kung talagang nagkasala, ang magdurusa sa ginawa niyang masama.”