Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 5:18-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Pagkatapos, ilulugay ang buhok ng babae at pahahawakan sa kanya ang handog na harina. Samantala, ang mangkok na naglalaman ng mapait na tubig na magpapalitaw sa katotohanan ay hawak naman ng pari.

19. Ang babae'y panunumpain ng pari. Sasabihin niya, ‘Kung hindi ka nagtaksil sa iyong asawa, hindi tatalab sa iyo ang sumpang taglay ng tubig na ito.

20. Ngunit kung nagtaksil ka sa iyong asawa,

21. paparusahan ka ni Yahweh upang maging halimbawa sa iyong mga kababayan: Patutuyuin ni Yahweh ang iyong bahay-bata at pamamagain ang iyong tiyan.

22. Tumagos nawa ang tubig na ito sa kaloob-looban ng iyong tiyan, pamagain ito at patuyuin ang iyong bahay-bata.’“Ang babae'y sasagot ng ‘Amen. Ako'y sumasang-ayon.’

23. “Ang mga sumpang ito ay isusulat ng pari sa isang sulatan, huhugasan ito sa mapait na tubig,

24. at ipapainom sa babae ang pinaghugasan. Ito'y magdudulot ng matinding sakit sa babae.

25. Pagkatapos, ang handog na harinanghawakpa ng babae ay kukunin ng pari, iaalay kay Yahweh at ilalagay sa altar.

26. Ang pari ay kukuha ng isang dakot na harina mula sa handog at susunugin ito sa altar. Pagkatapos, ipapainom sa babae ang mapait na tubig.