Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 4:16-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. “Si Eleazar na anak ni Aaron ang mangangalaga sa langis para sa ilawan, sa insenso, sa karaniwang handog na pagkaing butil at sa langis na pantalaga. Siya rin ang mamamahala sa buong Toldang Tipanan at sa lahat ng kagamitan dito.”

17. Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,

18. “Huwag ninyong pababayaang mapahamak ang sambahayan ni Kohat

19. sa paglapit nila sa mga ganap na sagradong kasangkapan. Para hindi sila mamatay, ituturo sa kanila ni Aaron at ng mga anak nito kung ano ang dapat nilang dalhin at kung ano ang dapat nilang gawin.

20. Ngunit huwag na huwag silang papasok upang tingnan kahit sandali lang ang mga sagradong bagay doon sapagkat tiyak na mamamatay sila sa sandaling gawin nila iyon.”

21. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

22. “Bilangin at ilista mo rin ang mga anak ni Gershon ayon sa kani-kanilang angkan at sambahayan,

23. at ilista mo ang lahat ng lalaking maaaring maglingkod sa Toldang Tipanan, mula sa edad na tatlumpu hanggang limampu.

24. Ito ang tungkuling ibibigay mo sa kanila: