Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 34:8-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. ang Hamat, ang Zedad;

9. at ang Zifron hanggang Hazar-enan.

10. “Sa silangan: mula sa Hazar-enan hanggang Sefam;

11. ang Ribla, gawing silangan ng Ayin, ang baybayin ng Lawa ng Cineret,

12. at ang Jordan hanggang sa Dagat na Patay. Ito ang mga hangganan ng inyong lupain.”

13. Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Iyan ang lupaing ibibigay ni Yahweh sa siyam at kalahating lipi ng Israel; ang partihan ay dadaanin sa pamamagitan ng palabunutan.

14. Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi, at nahati na sa kani-kanilang sambahayan.

15. Ito ay nasa silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.”

16. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

17. “Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun ang mamamahala sa pagpaparte sa lupain.

18. Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila sa pagpaparte ng lupain.”