Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 34:14-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ang mga lipi ni Ruben, ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay mayroon nang bahagi, at nahati na sa kani-kanilang sambahayan.

15. Ito ay nasa silangan ng Jordan, sa tapat ng Jerico.”

16. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

17. “Ang paring si Eleazar at si Josue na anak ni Nun ang mamamahala sa pagpaparte sa lupain.

18. Pumili ka rin ng isang pinuno sa bawat lipi para makatulong nila sa pagpaparte ng lupain.”

29. Ang mga kalalakihang ito ang pinamahala ni Yahweh sa paghahati ng lupain ng Canaan na ibinigay niya sa Israel.