Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Bilang 33:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang mga yugto ng paglalakbay ng Israel mula sa Egipto, ayon sa kani-kanilang pangkat, sa pangunguna nina Moises at Aaron.

2. Ayon sa utos ni Yahweh, itinala ni Moises ang bawat yugto ng kanilang paglalakbay buhat sa simula.

3. Umalis ang mga Israelita sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan, kinabukasan ng Paskwa. Taas-noo silang umalis ng Egipto, kitang-kita ng mga Egipcio

4. habang ang mga ito'y abalang-abala sa paglilibing sa kanilang mga panganay na pinatay ni Yahweh. Ipinakita ni Yahweh na siya'y mas makapangyarihan kaysa mga diyos ng Egipto.

5. Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot.

6. Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, sa may gilid ng ilang.