9. “Kung ang isang biyuda, o babaing pinalayas at hiniwalayan ng kanyang asawa ay mamanata o mangako, ang bisa nito ay mananatili.
10. “Kung ang isang babaing may asawa ay mamanata o mangako,
11. may bisa ito kapag hindi tumutol ang kanyang asawa sa araw na malaman niya ito.
12. Ngunit ang panata o sumpa ng babae ay hindi magkakabisa kapag tumutol ang lalaki sa sandaling marinig niya ito. Siya'y walang sagutin kay Yahweh sapagkat tutol ang kanyang asawa.
13. Anumang panata o pangakong gawin ng babae ay walang kabuluhan kung tututulan ng kanyang asawa, ngunit magkakabisa kung sasang-ayunan nito.
14. Kapag hindi tumutol ang lalaki sa araw na malaman niya ang panata ng asawa, may bisa ang panatang iyon.